inner demons

 

d1   We need to outwit the fiercest of negative elements inside us…. matter-of-factly, we ought to fight our inner demons…. so when the time comes and there is final accounting of our sins and final auditing of what we do and we do not do….. we are somehow untarnished…..and beyond reproach…. d2

sass1

In its utmost meaning, the dictionary defined SASSY as possessing the attitude of someone endowed with an ungodly amount of cool. … They’re cheeky, lively, smart, saucy, slightly impudent, mouthy, cocky, energetic, loud and extremely talkative. … An adjective, typically used to describe a playful, flirty and saucy woman. It is its negative connotation… while its positive connotation, it means lively, bold, and full of spirit; cheeky. In life, we sometimes need to be sassy…. why so serious as Joker uttered in Batman…. being so damn serious in life drains us… it clogs our creativity and blocks our spirit… SO BE SASSY…. THINK OUT OF THE BOX…. BE A UNIQUE SOMEBODY… BE POSITIVELY BOLD… SO BE SASSY

sass2

 

the world’s a stage……

emitions copy

RECONCILED  EMOTIONS

CHARACTERS

 

Krista– group leader, psychology student, love interest of Patrick

Isabelle– Bestfriend of Krista

Jenica– classmate and friend of Krista and Isabelle

Patrick– suitor of Krista

Samuel– classmate

Classmates                                                                                      

 

SETTING

School campus

 

Background music…. ROYALS by LORDE.

Tugtog sa i-phone ni Krista. 

 

Isabelle: May LSS ata ako ng Grammy Awards, astig si Lorde

ah, powerfully-intriguing performance niya eh.

 

Krista:   Ay full pact isipan ko sa group report natin sa

psychology about the 5 basic emotions. Haay buhay

kolehiyo talaga,,, full of challenges. Dapat talaga

masanay na tayo na malimit ay sabay-sabay

ang mga submissions.

 

Jenica:   When it rains, it pours talaga.

 

Isabelle:  Keribells lang Krista. Kapag mareklamo sa buhay,

umaalis ang biyaya.

 

Samuel:   Sa makapagreklamo tayo, wala aman mangyayari ah.

Lalo lang didikit ang negative energy…. Chill out lang!

Ang mga babae talaga.

 

Patrick:    May I interrupt sa inyong mag-bff, kelan tayo

mag-re-ready sa group report natin?

 

Isabelle:   Tomorrow,  5.p.m. after ng class natin.

Dun tayo praktis sa gymnasium.

Krista:  Oy ha, pausap na. Wag pong sobrang late.

 

Note:  Kada isang emotion ay may background music while

          some are dancing or naka-freeze in an artistic way. All in

          all, my 5 background music for each emotion.

          Mas maganda kung naka-freeze bawat group na    

          mag-rerepresent emotions. Yun bang ‘paint me a picture’

          scene ang dating with matching background music.

 

KINABUKASAN…. Sa gymnasium…

Background music….. EMOTIONS by BEYONCE

 

Krista:   Sa palagay ko ang naghuhulma ng ating pagkatao at

nagbibigay ng saysay sa ating buhay ay EMOTIONS.

Ooops ang corny aman ng mga lines. Parang naka-

drugs ata ako ah…..

 

Jenica:   Masyado ka ng makata. Tapos na po ang

Linggo ng Wika.

 

Samuel:  According to psychology, there are

5 basic emotions,,, love, happiness, sadness,

anger and pain.

 

Isabelle:  Gawin nating different ang report natin. Instead na

puro report o lecture talaga, lagyan natin ng twist. Yun

bang may personal touch. Irere-enact natin yung mga

experiences natin na nag-tatackle sa 5 basic

emotions.

 

Patrick:    Ano yun, parang the story of our life,,,?

 

Background music… STORY OF MY LIFE

by ONE DIRECTION…..

 

Krista:  Ganito ang flow ng ating report. Idedefine yung bawat

emotion then irerepresent natin yung dialogue na

nag-rereflect ng ganung emotion.

 

Samuel: Like this,,, pain is the state of agony when the body

feels discomfort or inconvenience.

Isabelle:  Then magkakaroon tayo ng dramatization ng painful

experiences in life.

 

Jenica:  When did I experience pain in my life,,, ?

 

Krista:  Speaking of which,,, is it normal ba we avoid talking

about painful experiences in life dahil nasasaktan lang

tayo. Naaalala lang yung mga nakakalungkot at

nakakapanghina….?

 

Jenica: Siguro. Imagine mo kung puro mga hinaing

pinag-uusapan. Kaka-suffocate kaya ang negative

energy.  (sabay bumuntung-hininga ng malalim).

 

Isabelle:   Like yung namatay sa kanser and daddy ko. Until now

may kirot pa rin dahil namimiss ko sya. Kapag patay

na, wala na. Ang natitira lang yung mga memories.

 

Background music…

ARMS OF AN ANGEL by SARAH MCLACHLAN

—(dance interpretation)

 

Jenica: Life is too short kaya dapat ipakita na natin yung love

and affection sa mga taong mahal natin.

 

Isabelle:  At dahil sa pain na yun mas lalo ko naintindihan yung

human limitations… na may end talaga tayo kaya dapat

whatever we do,,, yun na ang pinaka-da-best. As if it is

our last day.

(sabay tumingin sa cellphone kung may nag-text.)

 

Patrick:  Ang mga babae talaga, madadrama sa buhay. Drama-

rama sa hapon eh. (habang nakabalikat kay Krista).

 

Jenica:  Poor emotional communicators lang talaga ang mga

lalaki kumpara sa mga babae na mada-drama

at sentimental.

       (biglang tatanggalin ni Krista ang naka-braso

                                 sa kanya na si Patrick).

 

 

Background music…

TEARS OF AN ANGEL by RYAN DAN—

(dance interpretation)

 

Isabelle:  How about sadness? (nakakunot ang noo).

 

Jenica:  Minsan ba feel mo lang na maging malungkot?

Yun bang malungkot ka kahit wala namang dahilan?

 

Krista:   Mababa lang ang bio-rhythm nun.

Depende din sa disposition at personality ng tao.

 

Isabelle:  Parang ang hirap aman pakisamahan ng ganung

tao … yung malulungkutin?

 

Samuel:  Hindi ah, baka may yuying.

 

Patrick:  Parang mga babae, sala sa init, sala sa lamig.

Lalo na kapag may dalaw.

      (Hahampasin ng libro ni Isabelle si Patrick).

 

Krista:  Pwede rin kasi kapag malungkot sa konting bagay,

e mas lalo na kapag major major crises in life.

 

Jenica: Nalungkot ako ng nagkahiwalay parents ko.

Ang ibang tatay nila sumakabilang buhay.

Ang case ko naman ay sumakabilang bahay.

 

Krista:  Mahirap kasi kapag person na ang pinursue ng isang

lalake. Kapag pleasure ang pinursue, panandalian lang

yun pero kapag tao na ay hiwalayan talaga. Bihira talaga

ang faithful at loyal na lalaki. One in a million.

 

Patrick:  Don’t worry hindi kita paiiyakin.

(sabay kindat kay Krista).

 

Krista:   Ay naku! Ewan sa’yo!

 

 

 

 

Background music…

 BREATHE AGAIN by SARAH BAREILLES.

 (naghihiwalay na babae at lalaki ang scene)

 

Jenica:   But then I realize na there are things beyond our

control. Alangan aman maglupagi ako sa lungkot.

 

Krista:  Amazing point mo…. Dapat hindi tayo matakot na

mapag-isa, masaktan at malungkot dahil yun talaga ang buhay. Yun bang hindi ka nadidiskaril sa pang-araw-araw mong buhay dahil malungkot ka. Yun bang hindi ka nandadamay ng bad mood dahil malungkot ka.

 

Samuel:  Absolutely… tara muna mag-merienda. Gutom na po.

                           (sabay hawak sa tiyan niya). 

 

Patrick:  Saan bang balon kayo galing? Ang lalalim.

 

Samuel:  The Grudge lang ang dating katulad ni Sadako.

                     (sabay mananakot sa groupmates).

 

SETTING- babalik sa gymnasium

 

Krista:   May question ako. Ang anger ba ay matinding

kalungkutan?

 

Jenica:  By the very definition, anger means state of aggression,

hostility or war.

 

Isabelle:  Parang kinalakhan ko na na masama ang magalit….

E panu kung nakakagalit talaga? E parang bulkan na

sasabog kasi kinimkim ang galit. Tapos kapag

ibinulalas mo, ikaw pa yung mali.

 

Krista:  Lagi mo kasing naaalala mga pangyayari na dapat

mong kalimutan eh. Bilanggo ka na ng galit. Ang galit

mo ang nagdedesisyon kung paano ka kikilos at liligaya.

Hay lagi na lang malungkot. Sabagay, madaling sabihin

yan  kasi hindi aman ako yun.  Kung ipagpalagay ko

sitwasyon ko, maintindihan ko kaya talaga siya?

 

Background music… ONE STEP CLOSER by LINKIN PARK (scene ay nagwawala o dance interpretation about anger)

 

Jenica:  Nothing remains forever. So you won’t be sad forever.

 

Samuel:   Wag na lang tambayan mga ganung yugto ng buhay.

Daanan lang.

 

Patrick: Pero saken may forever. (sabay ligaw tingin kay Krista).

 

Krista:  Hindi aman mali na magalit ka. Siguro ang mali yung

pag-eexpress ng galit mo.

 

Jenica:  Yung sobra ka galit sa tao dahil binetray ka tapos

nagalit ka na sa buong mundo. Parang gusto mong

balatan ng buhay ang taong iyon.

 

Krista:   May mga tao talaga who brings out the monster in you.

The greater the trust, the greater the betrayal.

 

Patrick: Hindi ka aman ma-bebetray kung hindi ka muna

nagbigay ng trust eh.

 

Krista:  Sabagay… minsan, mas magandang wag ka na lang

mag-open up kapag betrayal yung issue.

Ma-cocomentan ka pa,,, you can’t find the right words

to make them understand.

 

Jenica:  Grabe yan ang pinakamaganda sa lahat ng sinabi mo.

Winner!

 

Isabelle:   Ang sarap pumatay tao kapag siniraan ka niya.

Tapos pag-tsitsismisan ka. Konti lang ang

nakakaintindi nun saken kaya bad-trip talaga

ako ng whole first semester nun.

 

Krista:  The greatest need of the human heart is

to be understood.

 

Isabelle: Pinalampas ko yung mga verbal attacks na iyon. Bago

muna ako masaktan, inisip ko muna kung meritorious

ba ang kanyang pronouncements. Yung variance of

meaning na sinasabi niya ay nag-reregister ba talaga sa

mga tao na pinagsabihan niya.

 

Krista:  What’s the point of explaining when in the first place

you are already judged?  (sabay iling sa mga ka-grupo).

 

Jenica: Look, people who like you don’t need your explanation

while people who dislike you won’t accept

any explanation.

 

Samuel:  Dapat humahantong tayo na hindi sobra affected

sa mga iniisip at sinasabi ng mga tao sa atin.

 

Krista:  The fact na hindi tayo nila talaga kilala, they will be

judgemental. Mas natural talaga na judgemental mga

tao. We are imperfect beings.

 

Patrick:  Kilala ko kung sino iyon. Desperate move ginawa niya

na lage humahanap ng kakampi. Kasabihan na para

lang kumuha ng simpatya. Talagang dagdag bawas sa

mga sinasabi basta makapanira lang sa’yo.

 

Isabelle: Pero affected din kaya ako kasi reputation ko yun eh.

Umiyak din ako kahit paano. But then, I fly above the

storm. Tinaasan ko lipad ko para di ako makalog ng

paninira niya.

 

Krista:  Bakit mo ba pahahalagahan sinasabi ng mga taong

inggit sa iyo? Off- course, wala silang magandang

sasabihin. Hayaan mo na lang sila. Let the universe do

its favor for you.

 

Jenica:  You don’t owe people explanation. Magiging defensive

lang kapag explain ng explain.

 

Isabelle:  Naiinis ako sa sarili ko kasi hindi ako napapagod

magalit.

 

Samuel:  Mahirap kaya yung laging galit.

Laging may heavy heart.

Krista:  Eto tingnan mo sitwasyon ha. May nakakagalit nga. Sa

gabe ni-rereplay mo yung kabwisitan na ginawa sa’yo.

Hindi ka makatulog, tapos yung taong sinusumpa mo

harok na sa pagtulog. Sinong loser?

 

Patrick:  Sumpa agad. Pwede munang kinamumuhian?

 

Jenica:   Forgiveness sagot dyan. Hayaan mo na lang. Let go of

the bitterness. Ang ampalaya kinakain hindi yung ikaw

ang kinakain ng ampalaya.

 

Patrick:  Baka mas maligaya pa ang pusa mo kesa sa iyo.

Meow, meow…meow….

 

Samuel: Kukulubot at papangit ka! Marame magtatanung sa’yo

kung ilang bulate  ang hindi pa napirma sa’yo para

ma-declare ka na walking dead.

 

Patrick:  Nga pala. Bago na ulit season ng Walking Dead.

 

Krista:  Forgive and forget kasi kapag inaalala mo yung ganung

pangyayari, sinasaktan mo ulit sarili mo. Be kind to

yourself. Love yourself. Let it go…

 

Background music…. LET IT GO (FROZEN—soundtrack)

 

Isabelle:  May positive din kaya sa negative. Hindi ba kapag

binetray ka mas lalo ka magiging strong?

 

Patrick:  Talagang favorite topic mo yan ah. Ano yan part 2

anger management? Version 3.0 ng pure force

of betrayal?

 

Jenica:   Sa rejection at suffering mas lalo ka marunong mag-

comfort ng ganun din ang pinagdadaanan.

 

Krista: Kaya nga sabi nila na….. until you are hurt, you can

never truly understand the hurt of others.

 

Samuel:  Charge it to experience.

 

Patrick:  Amen. Ganito pala usapan ng mga babae. Ang sakit sa

ulo kasi… ang heavy at lalim. (kunot na kunot ang noo).

 

Isabelle:  Palibhasa kasi kayong mga lalaki, magagandang

babae at seksi, dota, kotse, basketball ang lage

topic of conversation.

 

Background music,,, BLURRED LINES

by ROBIN  THICKE….

 

Classmate 1: Dumaan kame para makigulo sa inyo.

Nag-papraktis kame para sa JS prom ga. Okey na

ba yung mga moves namen? (nagsasayaw).

 

Classmate 2: Dapat mala- So You Think You Can Dance

ang dating.

 

Classmate 3: Mala-STEP-UP REVO ang type ko.

Ryan Guzman baga.

 

Classmate 4: Channing Tatum pa rin ako. Ang pogi at seksi.

Yummy boy.

 

Krista:  Hmmm,,,medyo lumalayo na ata convo natin.

Dun aman tayo sa happiness.

 

Jenica:  How true that a real happy individual is the one who can

be truly happy inspite of problems and difficulties?

 

Samuel:  Yes!  Life is short and it’s a celebration kaya. Kaya

dapat laging masaya at thankful sa mga blessings

sa buhay.

 

Jenica:  Kahit na may nakakalungkot, nakakagalit, etc. Dapat

we still decide to be happy. Yung parang laging feeling

na champion tayo sa buhay.

 

Patrick:  Pero ako, alam ko kung sino source ng happiness ko.

Basta sagutin lang talaga nya ako.

(kumindat sa mga girls).

 

Background music,,, ROAR by KATY PERRY

 

Krista:  What is the secret to happiness?

 

Patrick:  Ako! (sabay hawak sa kanyang dibdib).

 

Jenica:  To be happy is to cry if we need to. Shed tears and

don’t be afraid to cry for someone and to have

something to cry for.

 

Samuel:  Cry baby?  (kunwaring umiiyak).

 

Isabelle:  Basta feel ko talaga umiyak.

 

Patrick:  Di ko ma-gets…

 

Jenica:  If you want to be happy you need to learn how to cry.

 

Patrick:  Oo na.

 

Samuel:  Basta yun na yun.

 

Krista:  Kaya dapat we create good memories para laging may

smile sa ating mga labi.

 

Jenica:  May mga paghuhugutan na mga positive experiences

para kapag may delubyo, may reserba na iba-iba.

 

Krista:  Yun bang kahit anong sitwasyon mo ay you choose to

be happy.

 

Isabelle:  People think that pleasure, power and money can give

happiness, but they are completely wrong.

 

Jenica:  Ano kaya ang feeling kapag meron ka nun? Yun bang

sky is the limit.

 

Krista:   Dini-deceive kasi tayo ni Satan na maging materialistic.

 

 

 

Background music,,, MATERIAL GIRL by MADONNA

 

Isabelle:  Foolish talaga ang mga tao ano? They would do

anything and everything for the pursuit of that

kind of happiness.

 

Krista:  Tapos at the end of the day, ma-rerealize na, yun lang

pala yon.

 

Isabelle: Those material objects are superficial.

 

Krista:  We can’t bring them to heaven. When we die, we can’t

take nothing in the world.

 

Samuel: Hallelujah Amen.

 

Patrick:  O di kayo na nga ang mga anak ng Diyos.

 

Jenica:  Oy, foul na yang ganyang joke.

 

Isabelle: Ano ka ba? Masanay ka na kay Patrick. You cannot

change his attitude, what you can change is your

attitude towards him. (naka-belat kay Patrick).

 

Krista:  Accept him as he is. Yan na ang labas sa tawas eh.

 

Jenica:  Save the best for last aman na emotion.

Syempre yung love….

 

Isabelle:  Uy na-mimiss na niya yung boyfriend  niya.

 

Samuel:  Yung maginoong barumbadong bf niya… ahahahha…

 

Isabelle:  Bilisan na ga natin. Maggagawa pa ako project

sa Philo.

 

Patrick:  Crush mo lang prof natin.

 

Krista:  Dingdong Dantes look alike kaya siya.

 

Patrick:  Weh. May turok aman.

 

Jenica:  Hah?  (asar-talo na boses).

 

Patrick:  Parang half-Filipino–half Filipina.

 

Jenica:  Bakit ba pinagdududahan nyo pagkatao nun?

 

Patrick:  Wala pa kasi girlfriend, e marrying age na tapos

prim and proper.

 

Krista:  Please lang ha. Avoid talking about other people.

Baka perception lang natin yun sa kanya.

 

Patrick: Salot kasi mga silahis at bading.

                  (naka-pamaywang na ginagaya mga bading).

 

Jenica:  Change topic.   (masama ang tingin kay Patrick).

 

Isabelle:  Wait. Bigla ko naisip na kuhanin natin si Lino para sa

simpleng choreography ng sayaw at yun bang kapag

naka-freeze tayo kapag irerepresent bawat emotion.

 

Patrick:  Wag yun. Hirap nun kausap. Bading kasi.

 

Krista:  Ayan ka na naman. Baka perception lang natin yun.

 

Jenica:  Lagi na lang biktima ng discrimination mga third sex.

 

Patrick:  E di sumali sila sa rally ng mga LGBT

for equal treatment. Imbes na sabihin na maki-baka

ay maki-beki.

 

Isabelle:  Ayoko na talaga mag-comment sa’yo Patrick.

 

Jenica:  Basta, I really admire them for their artistry

and creativity.

 

Samuel:  Okay no problem.

 

 

 

Background music,,, RUDE BOY by RIHANNA

(boys and girls dance)

 

Jenica:  Of all the emotions, eto yung pinakamasarap. Yun bang

feeling na everything is fine because you are

appreciated and loved.

 

Krista:  Sadya aman kapag well-loved yung tao ay konti yung

mga issues niya in life. Lesser yung insecurities niya in

life. Magiging likeable personality niya.

 

Isabelle: So it means we need to spread love in the right way?

 

Krista:  When do you feel in love ba?

 

Jenica: Kapag masaya ka dahil kasama mo sya. Laging may

sound of music at may kulay ang atmosphere. Yun bang

napapangiti ka.

 

Samuel:  Ay parang namaligno mga in-love. Parang adik kung

ano nahithit.

 

Patrick: Yun ba ang naramdaman mo nung dumating ako sa

buhay mo? (biglang dikit kay Krista).

 

Krista:  Wag ka ngang magulo. Nakaka-distract ka eh.

 

Patrick: Sadyang ma-didistract ka dahil ganun ang love…

you are truly madly deeply…..

 

Background music,,, TRULY MADLY DEEPLY

by SAVAGE GARDEN

(Lahat ng mga bagay ay slow motion.

Lahat ng paligid ay kulay pink. )

 

Jenica:  Madami na tayo napag-usapan sa ating group report.

At least meron na tayo idea kung papaano tatakbo

ang presentation natin.

 

Patrick:  Ang dame nga ninyo nasabi eh. Mga babae talaga

mahilig sa daldalan at kwentuhan.

Samuel:  Basta kaming mga lalaki, less talk, less mistake ang

aming prinsipyo.      (nag-papa-cute).

 

Patrick:  May tama talaga si Samuel. Kaya mas masaya

kami kabarkada. Mas totoo kaming lalaki. Malimit ang

mga babae, sila na yung magkakasama, sila pa rin

nagpa-plastikan. Ang dame agad nasabi at sinasabi….

 

Jenica:   Hindi naman lahat pero may truth in it sa sinabi mo.

                    (naka-two-thumbs up sa mga lalaki).

 

Isabelle: Tapusin na nga natin eto at saka na lang tayo

mag-praktis. Inip na kasi mga lalaksot na yan eh.

 

Krista:  Wait wait wait,,, to conclude, we need to learn how to

reconcile emotions. We should handle properly our

emotions. Kahit mahirap we should express our

emotions in an appropriate way.

 

Isabelle:  Ay naku, ipaggagawa ko ng rebulto ang taong ganun

talaga. Ang hirap nun lalo na’t

emosyon mo iyon eh. Hindi mo alam kung paano ka

talaga mag-re-reak kapag andun ka na.

 

Samuel:  Parang awa nyo na po. Awat na!

(nakaluhod sa mga babae).

 

Patrick:  So let’s end it muna that way,,,, pahinga muna tayo.

 

Jenica: Guys tara let’s na.

 

Background music—- EMOTIONS by BEYONCE

——-The end—–

 

 

 

Written by: Agnes Tadia

March 07, 2014. 12-5 p.m.

Staged on: March 31, 2014, 10-11 a.m.

BSU Alangilan Campus II