Bob- Ong Quotes
- Hindi lungkot o takot ang mahirap sa pag-iisa kundi ang pagtanggap na sa bilyon-bilyong tao sa mundo, wala man lang nakipaglaban upang makasama ka.
- Wag magmadali sa pag-aasawa. Tatlo, lima, sampung taon sa hinaharap, mag-iiba pa ang pamantayan mo at maiisip mong di pala tamang pumili ng kapareha dahil lang sa kaboses niya si Debbie Gibson o magaling mag-breakdance. Totoong mas importante ang kalooban ng tao higit anuman. Sa paglipas ng panahon, maging ang mga crush ng bayan sa eskwelahan e nagmumukha ring pandesal. Maniwala ka.
- Ang pinakamirap na parte ng paglayo sa taong hindi ka kayang mahalin ay ang katotohanang hindi ka nya hahabulin.
- Sayang ang ganda ng yung mga mata kung lagi kang umiiyak sa taong walang kwenta.
- Alam mo ba kung gaano kalayo ang pagitan ng dalawang tao pag nagtalikuran na sila? Kailangan mong libutin ang buong mundo para lang makaharap ulit ang taong tinalikuran mo.
- Ang tenga kapag pinagdikit, korteng puso. Extension ng puso ang tenga. Kaya kapag marunong kang makinig, marunong kang magmahal.
7. Pag may mahal ka at ayaw sa’yo, hayaan mo. Malay mo sa mga susunod na araw ayaw mo na din sa kanya, naunahan ka lang.
- Hindi mo siya pwedeng pilitin na mahalin ka. Pero, pwede mo
ipamukha sa kanya kung ano ang sinayang niya.
9. Kung dalawa ang mahal mo, piliin mo yung pangalawa. Kasi hindi
ka naman magmamahal ng iba kung mahal mo talaga yung una.
10. Hindi porke’t madalas mong ka-chat, kausap sa telepono, kasama sa mga lakad o ka-text ng wantusawa eh may gusto sa’yo at magkakatuluyan kayo. Meron lang talagang mga taong sadyang friendly, sweet, flirt, malandi, pa-fall o paasa effect.
11. Kung hindi mo mahal ang isang tao, wag ka nang magpakita ng motibo para mahalin ka nya.
12. Huwag mong bitawan ang bagay na hindi mo kayang makitang
hawak ng iba. Huwag mong hawakan kung alam mong bibitawan
mo lang. At Huwag na huwag ka hahawak kapag alam mong may
hawak ka na.
13. Parang elevator lang yan eh, bakit mo pagsisiksikan yung sarili
mo kung walang pwesto para sa’yo. Eh meron naman hagdan, ayaw mo lang pansinin.
- Ang buhay ay isang sugal. Dapat handa kang mawalan kung
gusto mong magkaroon.
- Hinahanap mo nga ba ako… o ang kawalan ko? Mas madaling
makita ang wala.
- Walang taong panget. Nagkataon lang na yung mukha nila hindi
uso at hindi in.
- Kung di mo alam kung sino ka, paano mo maipagmamalaki ang
sarili mo?
- Ganyan talaga ang mga tao, pipihit-pihitin ang katotohanan
hanggang sa sumang-ayon na ito sa kumportableng posisyon ng mga makasarili nilang puso.
- Karapatan kong madapa at bumangon sa buhay nang walang
tatawa, magagalit, magtatanong, o magbibilang kung ilang beses na ‘kong nagkamali at ilang ulit ako dapat bumawi.
- Mag-aral maigi. Kung titigil ka sa pag-aaral, manghihinayang ka
pagtanda mo dahil hindi mo naranasan ang kakaibang ligayang dulot ng mga araw na walang pasok o suspendido ang klase o absent ang teacher.
- Sa kolehiyo, maraming impluwensiya ang makikita. Masama o
mabuti man ito. Wag mo isisi sa thesis partner o sa kaibigan ang lahat kung bakit nasira ang baga mo sa kakayosi, nasira ang atay mo sa kakainom at kung bakit nagkaroon ka agad ng pamilya. Kung talagang matino kang tao, kahit sino pa mang tarantado ang kasama mo ay maitutuwid mo pa rin ang daang tatahakin mo.
- Dalawang dekada ka lang mag-aaral. Kung di mo pagtitiyagaan,
limang dekada ng kahirapan ang kapalit. Sobrang lugi. Kung alam lang yan ng mga kabataan, sa pananaw ko ay wala ng gugustuhing umiwas sa eskwela.
- Mangarap ka at abutin mo. Wag mong sisihin ang sira mong
pamilya, palpak mong syota, pilay mong tuta, o mga lumilipad na ipis. Kung may pagkukulang sa’yo mga magulang mo, pwde kang manisi at maging rebelde. Tumigil ka sa pag-aaral, mag-asawa ka, mag-drugs ka, magpakulay ka ng buhok sa kili-kili. Sa bandang huli, ikaw din ang biktima. Rebeldeng walang napatunayan at bait sa sarili.
- Wag mawawalan ng gana sa buhay. Kung ano yung galing mo,
kulit mo, lakas ng sigaw at tuwa mo sa mga laban ng UAAP, NCAA, mga sports fest o concert ng paborito mong banda, wag mong iwawala hanggang sa pagtanda. Wag kang tutulad sa ilang kongresista na nagre- report sa trabaho para lang matulog.
- Hikayatin mo lahat ng kakilala mo na magkaroon ng kahit isa man
lang paboritong libro sa buhay nila. Dahil wala nang mas kawawa pa sa mga taong literado pero hindi nagbabasa.
- Pag binisita ka ng idea, gana, o inspirasyon, kailangan mong itigil
lahat ng ginagawa mo para lang di masayang ang pagkakataon.
- Masama akong tao, tulad mo, sa parehong paraan na mabuti
kang tao, tulad ko.
- Paggawa na ba ng mabuti ang hindi paggawa ng kasamaan?
- Kung gusto mong kumpletuhin ang saya mo huwag mo na lang
intindihin yung mga taong hindi ka maintindihan.
- Minsan, kailangang ituro ng mundo sa’yo ang tama sa paraang
masasaktan ka para matandaan mo.
Adik si Bob-Ong talaga! I really don’t know kung saan siya balon hinukay…. ang lalim…. isang di-nakakalasing na kalasingan ang mga hugot lines siya. Proud to be a Filipino. Bob-Ong strikes a chord in the heart of both old and young readers.
Such an account of literature places its value in the reading perspectives of the writings of Bob-Ong. His books, matter-of-factly do not shelter young readers from the bitter taste realities of the imperfect world but addresses sensitive global issues to create responsible adults. It may help to confront disturbing realities such as problems on identity crisis and media and peer pressure which will inspire to form future citizens who are socially and ethically conscious members of the society. Highly-emotional in tone with touches of socio-political factor is the distinct quality of its ideas. Henceforth, it is accessible to young readers and represents certain ideas that are serious, deep and mature.
Reference
https://Bob-Ong quotes on love and life.pinoypanitikan.wordpress.com/